habang kaya ko

kukumutan at yayakapin lagi
sa bawat gabing nilalamig ka
habang ako ang iyong katabi

sa tuwing ang sahig ang nakatulugan mo
sasamahan at kakargahin
hangga’t kaya pa ng buto ko

gigising at titimplahan ng gatas
sa tuwing hapon, o sa madaling araw
habang ako ay may natitirang lakas

bibihisan, laging pupunasan
papaliguan, laging aalagaan
hangga’t ako’y nadito lang

sasagutin ang mga katanungan
tatawa pa rin kahit di katatawanan
habang ikaw ay nasisiyahan

makikipaglaro, makikisabay
magtataguan, maghahabulan
hanggang ang tuhod ay bumigay

mga anak, aking mga tamborling
kahit isang libong dantaon mamahalin
habang kaya, habang kapiling

 

20 January 2016
Quezon City

Kabataan, an Paglaum nan Ato Lungsod


Kabataan, ang Pag-asa ng Ating Bayan (t)
Kabataan, ang Paglaum sa Atong Lungsod (v)
Youth, the Hope of our Town [Nation] (e)

Taken during my 2003 summer vacation in Mainit.
Guess who are in the picture? Where was the photo shot?
Clues: Taga sanghan sanan utod-bukid an mga Pidjanga models.

Zimmbodilion Mosende
May 2003