Para kanino ka gumigising?

Sa pagdampi ng init ng kape
Sa bagong gising mong labi
Sa paglasap ng sarap ng pait
Sa nagnanasa mong dila

Sa pagpasok ng liwanag
Sa naniningkit mo mata
Sa paghalik ng hanging lamig
Sa tulog mong mga balat

Sa pagningning ng silangan
Sa nakaabang na mga ulap
Sa pagduyan ng mga alon
Sa nagsasayang baybayin

Sa buhay na biyaya
Sa lakas na tinaglay
Sa gandang angkin
Sa ginhawang lasap

Sa minamahal
Sa mamahalin
Sa nagmamahal
Sa pagmamahal

12 August 2019
Tuoaguba Hills overlooking Port Moresby Bay
PAPUA NEW GUINEA

Inspired by the comment of our dear Ditsi Carolino. Dedicating this, not only to my family, but also to one of my life coaches, Fr Guy Gai Guib.FB_IMG_1567341899718

Walang sawa

Saksi ang kabibeng
alon ng damdamin
Halimuyak ng pag-ibig
Ang simoy ng hangin

Mga alindog ng
sanlibong buhangin
Sa iyo’y nakatutok
Malalagkit ang tingin

Payapang humahalik
ang punong kay lilim
Dalampasigang subok
at nahuhumaling

Ikaw at ikaw
Tuwina pa rin
Araw-araw, kailanman
Tanging iibigin

Sa piling ng makukulit
na mga Tamborling
Walang sawa
kitang mamahalin

2017 March 3

ligaya

Sa bawat paghampas ng alon
Sa mga posteng kahoy ng pier
Sa mga halik ng malamig na hangin
Sa buhangin ng dalampasigan
Sa pagnanakaw ng gabi
Sa liwanag at init ng araw
Mag-isa ka man sa panahong
Nais mo may makaulayaw
Mahahanap, makikita mo rin
Hindi lang iisa, ngunit pulu-pulutong
Na mga nangniningningan mga bituin
Iilawan ang mata mong matamlay
Tatanglawan ang puso mo ng ligaya

Samal Island
Philippines
Feb 2017

16586962_10155140917645832_3231214738205322977_o

ngangoy

an lawas na nalungat
nagbanisil sa kakapoy

an kusog na nawagnit
sa kaluja nagpuypoy

an luha na nugitub
nahunob an haboy

an hubag na bakingking
nugipad sa kauy-oy

an libog nakutaw
an utok di maantoy

an tuyog na dupay
pid-as sa kaminghoy

ginhawa nilupog
abaga naghuyhoy

intawon nag-antus
an tagbati, ngangoy

8 March 2016, Tuesday
en route to Puerto Princesa

to all those who are mourning… we are with you in this most difficult time. this poem is for you to know how we also feel.

habang kaya ko

kukumutan at yayakapin lagi
sa bawat gabing nilalamig ka
habang ako ang iyong katabi

sa tuwing ang sahig ang nakatulugan mo
sasamahan at kakargahin
hangga’t kaya pa ng buto ko

gigising at titimplahan ng gatas
sa tuwing hapon, o sa madaling araw
habang ako ay may natitirang lakas

bibihisan, laging pupunasan
papaliguan, laging aalagaan
hangga’t ako’y nadito lang

sasagutin ang mga katanungan
tatawa pa rin kahit di katatawanan
habang ikaw ay nasisiyahan

makikipaglaro, makikisabay
magtataguan, maghahabulan
hanggang ang tuhod ay bumigay

mga anak, aking mga tamborling
kahit isang libong dantaon mamahalin
habang kaya, habang kapiling

 

20 January 2016
Quezon City

agbay

an alima na naghunad
sa katoy sanan amo samad
mga kinumo na nagpahinumdom
na an panimayay unahon

an payad na nakadapay
dakan hinumduman an angay
mga tudlo naghatag nan giya
sa pagsuyat sanan pagbasa

pero hilabi gadjud sa tanan
sa amo kasingkasing tagbutang
disiplina, paghigugma nimo ‘Tay
salamat karajaw sa imo mga agbay

Tribute to Tatay Lolot

 

guyong

2015-11-02 08.25.41

Nukuot an katignaw
Sa matignos na unod
Nukabra an paghunat
Nan bukog na nutiskog

Paghayok nan adlaw
Sa malan-ay na buyan
Nag-inusara sa lantay
Mahukmoy tagdantajan

Hain kaw Leoperdonie?
Kari na Tarhatina?
Katre ipahugmak
Habuy guyungon ta

2015 Nov 2
Bangkok, Thailand
In my bedroom for the next 4 days.

A poem for those who slept alone in their beds last night … Najo lamang. Najo lamang. Muabot ra sija.